Libu-libong mga miyembro ng ethnic group na Kurds sa Syria ang napilitang lumikas ng kanilang lugar matapos ng sunod-sunod na pag-atake ng pwersa ng Turkey.
Sinasabing mahigit 12 na rin ang nasawi sa pag-atake.
Batay sa ulat, nagsimula ang opensiba ng pamahalaan ng Turkey laban sa Syrian Democratic Forces ng Kurdish YPG militia matapos na ianunsyo ni US President Donald Trump ang pagbawi sa tropa ng Amerika sa lugar.
Kaugnay nito, nagbabala naman ang huminatarian crisis ng United Nations kung saan aabot sa mahigit 70,000 ang maaaring mawalan ng tahanan sa Northeast Syria.