Naglabas ng isang open letter si European Union Ambassador Franz Jessen tungkol sa administrasyong Duterte at ang pangangasiwa nito sa Pilipinas.
Sa opisyal na Facebook page ng European Union delegation, sinabi ni European Union Ambassador Franz Jessen na naging mabilis ang pagbabago pagdating sa mga polisiya, mga lengguwahe, at iba’t ibang interpretasyon ng mga pahayag at aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-unlad ng Pilipinas.
Dagdag pa ng ambassador, nakikita din nito ang pagpapahalaga ng Pangulo sa nagpapatuloy na peace process sa pagitan ng CPP NPA NDF at gobyerno ng Pilipinas.
Gayunpaman, iniwasan ng ambassador na magbigay ng komento dahil kakasimula pa lamang, aniya, ni Duterte sa pamamahala bilang Pangulo.
Kailangan pa, aniya nito ng mas mahabang oras para maisakatuparan ang mga polisya nito.
Dagdag pa ni Jessen, bilang ambassador, tungkulin niyang initindihan ang mga pagbabago, mga bagong ideya, at pananaw sa isang bansa.
By: Avee Devierte