Binatikos ng European Union at iba pang mga bansa ang desisyon ng Istanbul, Turkey na ulitin ang eleksyon sa kanilang bansa.
Kasunod ito nang pagkakapanalo sa eleksyon ng kandidato ng oposisyon.
Ayon sa EU spokesperson, dapat ipaliwanag ng electoral body ng Turkey ang nasabing hakbangin.
Tinawag naman ng France na isang uri ng diktadurya ang desisyon ng Turkish government na ulitin ang eleksyon.
Sinasabing may hinala ang justice and development party ng Pangulong Recep Tayyip Erdogan na may naganap na pandaraya kaya’t uulitin ang eleksyon sa June 23 na inalmahan naman ng mga mamamayan at ugat ng mga malawakang pagkilos sa nasabing bansa.