Naglaan na ang European Union (EU) ng 1.7 million euros o tinatayang 98 million pesos na pondo bilang tulong sa Pilipinas matapos ang pananalasa ng bagyong Odette.
Saklaw ng nasabing pondo, na mula sa Acute Large Emergency Response Tool ng EU, ang agarang pamamahagi ng pagkain, inuming tubig, shelter at iba pang pangangailangan ng mga biktima ng bagyo.
Ayon kay EU Commissioner for Crisis Management Janez Lenarčič, nakikiisa ang EU sa mga filipino sa panahong ito at sa katunayan ay sinimulan na ang humanitarian efforts.
Bukod sa mga bansa sa Europa, nagkaloob din ang New Zealand ng 500 thousand new zealand dollars sa International Federation of Red Cross at Red Crescent Societies bilang suporta sa relief operations.
Nangako rin si Canadian Prime Minister Justin Trudeau ng financial assistance sa Red Cross habang nagkaloob din ang China at Japan ng tulong sa mga biktima.