Naniniwala si Senate Majority Floor Leader Tito Sotto na walang moral na karapatan ang EU o European Union na manghimasok sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.
Sinabi ng Senador na mayroong basehan ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbatikos nito, kahapon, sa European Union.
Ipinaliwanag ni Sotto na mayroong ilang miyembro ang EU kung saan ligal ang paggamit ng mga pinagbabawal na gamot, kaya’t wala itong karapatan na manghimasok sa kampanya ng Pangulo.
Hindi tuloy aniya maiwasang mapag – isipan na nakikibang ang EU sa droga kaya ganoon nalang nito batikusin ang Pangulong Duterte.
By: Katrina Valle / Aya Yupangco