Desidido pa rin ang European Union na magkaloob ng developmental assistance sa Pilipinas sa kabila ng makailang ulit na pagtanggi ng nito.
Ayon kay EU Ambassador Franz Jessen, hindi nila isinasara ang anumang pinto sa pagkakaloob ng tulong sa bansa.
Sinabi ni Jessen na maaari pa rin silang makipagtulungan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan direkta sa mga ahensya ng gobyerno at case by case basis na walang TRTA o Trade Related Technical Assistance.
Patunay nito ay ang patuloy pa ring zero tariff privileges ng ilang export items ng bansa sa ilalim ng generalized scheme of preferences plus ng EU.
Matatandaang ilang beses nang inayawan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang ayuda mula sa EU dahil pakikialam umano nito ilang isyu sa bansa partikular sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga at human rights.
—-