Handang makipagtulungan ang European Union sa mga bansang kasapi ng ASEAN sa paglaban sa terorismo at extremismo.
Sa ginanap na 40th ASEAN-EU Commemorative Summit, inihayag ni EU Council President Donald Tusk na sa pamamagitan ng pagpapalitan ng impormasyon agad na maaaksyunan o mapipigilan ang anumang banta ng kaguluhan.
Ayon kay Tusk, laganap na sa iba’t-ibang bansa ang mga baluktot na ideyolohiya ng mga terorista o mga kalaban ng estado at malalabanan lamang ito kung magkakaisa ang bawat miyembro ng European Union at ASEAN.
Sa tagal na anya ng kanilang ugnayan, nakalikha na ito ng anti-terror cooperation sa tulong ng information sharing.
Ulat ni Jopel Pelenio
SMW: RPE