Kinondena ng European Union (EU) ang ginawang pagtataboy at pamomomba ng mga Chinese Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas na nasa Ayungin Shoal na sakop ng West Philippine Sea.
Matatandaang binombahan ng water cannon at pinaalis ang dalawang barko ng bansa na maghahatid sana ng supply food sa mga sundalong nagbabantay sa Ayungin Shoal.
Ayon kay EU Spokesperson for Foreign Affairs and Security Policy Nabila Massrali, hindi sila sang ayon sa kahit na anong unilateral action na maaaring magdulot ng panganib sa seguridad, kapayapaan at katatagan sa rehiyon maging sa international rules-based order.
Binigyang diin din ng EU na dapat ay nirerespeto ang kalayaan sa bawat partido at ng bawat mga bansa.
Pinanigan din at ipinaalala ng EU na ang iginawad na Permanent Court of Arbitration noong 2016 ay nagpapatunay na ang Second Thomas Shoal ay bahagi ng Philippines’ Exclusive Economic Zone at Continental Shelf.
Bukod sa EU, nakakuha rin ng kaparehas na suporta ang Pilipinas mula sa mga bansang Canada, France, Germany, Japan, at Australia na kumukondena sa aksyon ng China. —sa panulat ni Angelica Doctolero