Napagkasunduan na ng mga European leaders ang pagbuo ng recovery fund na nagkakahalaga ng kabuaang $858-bilyong para sa muling pagbuhay ng ekonomiya ng mga bansang miyembro ng European Union (EU) na pawang naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Batay sa mga ulat, hihiram ang pamunuan ng European Commission sa financial markets, habang ipamamahagi naman ang kalahati nito sa mga bansang miyembro ng EU na napuruhan ng nakamamatay na virus.
Ayon sa pamunuan ng EU, ang naturang pondo ay ilalaan sa pagtulong sa muling pagbabalik operasyon ng mga negosyo, reporma sa ekonomiya, at investment kontra sa mga paparating pang mga krisis.
Kasunod nito, ayon sa presidente ng European Council na si Charles Michel, ang naturang hakbang ng pamunuan ay para sa ikabubuti ng bawat miyembro, at ang muling pagbangon ng mga ekonomiya nito.