Nakatakdang magbigay ng lima’t kalahating milyong euro o katumbas ng P275 milyong piso ang European Union.
Ito’y bilang pagsuporta sa umuusad na peace process at development sa rehiyon ng Mindanao sa kabila ng pagkakabinbin ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ayon kay European Union Ambassador Franz Jessen, idadaan ang nasabing pondo sa iba’t ibang programang pangkapayapaan sa loob ng 18 buwan.
Binigyang diin pa ng EU Ambassador, nagagalak ang EU na makita ang pagkakaisa sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng mga rebeldeng Moro sa Mindanao upang maitaguyod ang isang mapayapa, maunlad at masaganang rehiyon.
By Jaymark Dagala