Magkakaloob ng mahigit 241 Milyong Pisong pondo ang European Union (EU) para pondohan ang pagtatayo ng drug rehabilitation centers sa bansa.
Ayon kay European Commission Director General for International Cooperation and Development Stefano Maservisi, ang naturang pondo ay direktang ipadadala sa tanggapan ng Department of Health (DOH).
Ito ay sa kabila ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na tatanggap ng anumang tulong mula sa EU.
Sinabi ng opisyal na ang naturang tulong ay bahagi ng 260 Million Euro Development Assistance ng EU sa Pilipinas.
Pangunahing nakalaan ang tulong para sa peace process sa Mindanao,paglikhang trabaho at renewable energy projects sa Pilipinas.
Matatandaang mainit ang dugo ni Pangulong Duterte sa EU dahil sa pagbatikos nito sa war on drugsng pamahalaan.
RPE