Ikinasa na ng European Union (EU) ang kanilang €2 million o P125 million emergency aid package bilang tulong sa mga biktima ng Bagyong Ompong.
Ayon kay EU Commissioner for Humanitarian Aid and Crisis Management Christos Stylianides, saklaw ng donasyon ang pagpapatayo ng shelter, pamamahagi ng emergency relief items, water and sanitation at food security.
Para ito sa mga nawalan ng bahay dahil sa malakas na hangin, malawakang pagbaha at landslides dulot ng bagyo.
Nagdeploy na rin ang EU ng humanitarian expert sa disaster area upang alamin kung ano pa ang kailangan ng mga biktima.
Samantala, handa na rin ang Japan na magpadala ng tulong sa Pilipinas.