Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang European Union na pangunahan ang drug war sa Pilipinas kung ito aniya ang susi para malutas ang problema sa droga ng bansa.
Sinamantala ng Pangulo ang pagkakataon sa ASEAN high level forum sa Conrad Hotel sa Pasay City para muling banatan ang EU dahil sa pakikialam nito sa usaping panloob ng Pilipinas.
Sinermunan pa ni Pangulong Duterte ang lider ng EU sa harap ng mga matataas na opisyal ng ASEAN countries gayundin ng iba pang mga diplomat dahil kulang aniya ito sa kaalaman hinggil sa tunay na sitwasyon.
Kasunod nito, hinimok ng Pangulo ang mga bansang mayruong reklamo sa ipinatutupad niyang mga polisiya at idulog aniya sa United Nations upang maigmbestigahan sa halip na paki-alaman ang pamahalaan sa kung ano ang dapat nitong gawin.