Muling nagpahayag ng pagkaalarma ang EU o European Union sa mga napapatay bunga ng madugong kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.
Sa ika-36 na sesyon ng United Nations Human Rights Council sa Geneva na ginanap noong Setyembre 19, iginiit ng EU na bagama’t iginagalang nila ang pagsisikap ng gobyerno na labanan ang iligal na droga ay dapat na dumaan sa due process at lumabag sa umiiral na national at international law.
Nanawagan din ang EU ng agarang imbestigasyon sa mga nagaganap na pagpatay sa mga drug suspect.
Kaugnay nito, inilagay na ang Pilipinas sa mga bansang mayroong human right situation na kinakailangan ng mahigpit na atensyon ng UN Human Rights Council.
—-