Nagkaloob ng tulong ang EU o European Union para sa muling pagbangon ng mga residenteng apektado ng patuloy na bakbakan sa Marawi City.
Sa pamamagitan ng European Commission na implementing body ng EU ay nagkaloob ito ng 850, 000 euros o 49 million pesos.
Ayon kay Pedro-Luis Rojo, head ng East, Southeast Asia and Pacific Regional Office for the European Civil Protection and Humanitarian Aid Operations, partikular na tutugunan ng naturang pondo ay ang pagbibigay ng pagkain, malinis na tubig, health care, hygiene kits at sanitation facilities.
By Rianne Briones
EU nagbigay ng tulong para sa relief operations sa Marawi was last modified: July 5th, 2017 by DWIZ 882