Naglaan ang European Union (EU) ng 570,000 na euros o halos tatlongpo’t apat na milyong pisong (P34-M) halaga ng humanitarian aid para sa mga nakaligtas sa bagyong Vinta.
Ayon kay EU Commissioner for Humanitarian Aid and Crisis Management Christos Stylianides, ang nasabing halaga ay makatutulong sa relief operations at iba pang pangangailangan ng mga pamilyang apektado ng kalamidad.
Nagpaabot din ng simpatya at pakikiramay ang EU sa lahat ng biktima ng bagyo.
Tinatayang 200 katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Vinta habang nasa kalahating milyong iba pa ang naapektuhan sa Visayas at Mindanao.
Una nang nagpahayag ng kahandaang tumulong ang bansang Japan para sa mga relief operations at rescue efforts sa lahat ng naapektuhan ng bagyo.
Nagpaabot din ng pakikidalamhati at panalangin si Pope Francis maging ang mga bansang Canada, Australia at Estados Unidos sa mahigit kalahating milyong naapektuhang residente ng Mindanao.