Nagbigay ang European Union (EU) ng dagdag na 3-milyong euro o P170-milyon na financial aid para sa mga biktima ng kalamidad.
Ayon sa EU, layon nitong pagkalooban ang mga biktima ng maayos na healthcare services, malinis na tubig, magbibigay ng emergency shelter materials, hygiene kits, at iba pa.
Sa ilalim pa rin ng naturang programa ay nakatakdang pagkalooban ng cash grants ang mga biktima upang muling makapagsimula ng kanilang pagkakakitaan.
Sakop ng naturang aid ang mga biktima ng bagyong Tisoy at magkakasunod na lindol sa Mindanao.