Ikinalugod ng European Union (EU) Delegation ang suporta ng Pilipinas sa United Nations Resolution na naggigiit sa agarang pagpapatigil ng kaguluhan sa ukraine, partikular ang pag-atake sa mga sibilyan.
Ang reaksyon ng EU ay bunsod ng inadopt na resolusyon ng UN General Assembly na nananawagan ng pansin upang tutukan ang humanitarian situation sa Ukraine.
Binalangkas ito ng France at Mexico na inisponsoran ng mahigit siyamnapung bansa at inaprubahan ng isandaan apatnapung UN Member-Nations, kabilang ang Pilipinas.
Tiniyak naman ng EU Delegation na tulad ng Pilipinas, magpapatuloy ang kanilang suporta sa mga mamamayan ng Ukraine.