Mahigit P11-M na humanitarian aid ang ipagkakaloob ng European Union sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Paeng.
Bahagi na rin ito ng kontribusyon ng EU sa Disaster Response Emergency Fund ng International Federation ng Red Cross Crescent Societies bilang tulong sa halos 33,000 indibidwal sa mga lugar na hinagupit ng bagyo.
Batay sa pinakahuling NDRRMC report, nasa halos 2-M pamilya o halos 6-M indibidwal ang apektado ng bagyong Paeng.
Magugunitang nasa 164 ang death toll sa nasabing bagyo na nag iwan din ng 270 kataong sugatan at 28 pa ang nawawala.