Pinuri ng European Union o EU ang kasunduan ng gobyerno ng Pilipinas at ng mga komunista para sa pansamantalang tigil putukan.
Ayon sa European Union, pansamantala man ang tigil-putukan, positibo pa ring hakbang ito tungo sa mas malawak na kasunduan sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde.
Dagdag pa ng European Union, posibleng maging daan ang pansamantalang tigil putukan upang maaaprubahan nang mas maaga ang komprehensibong agreement on social and economic reforms.
Nilagdaan noong Miyerkules ang interim joint ceasefire at magiging epektibo ito kapag inaprubahan na ang mga patakaran para sa magkabilang panig.
By Avee Devierte