Nag-apply na ng emergency use authorization (EUA) ang Pfizer-Biontech para sa paggamit ng nalikha nitong COVID-19 vaccine sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, kinumpirma sa kanya ni Food and Drug Administration (FDA) Director-General Rolando Domingo na noon pang December 23, 2020 inihain ng Pfizer ang kanilang EUA application.
Gayunman, sinabi ni Roque, na posibleng abutin ng 21 days o tatlong linggo bago aprubahan ng FDA ang aplikasyon ng Pfizer.
Pero kahit pa aniya maipasa na ito ng FDA, wala paring katiyakan kung kelan masisimulan ang pagbabakuna dahil kinakailangan pang hintayin ang availability ng COVID-19 vaccine na mula sa Pfizer.