Dapat na hintayin ng mga pribadong sektor na makapaglabas ng Emergency Use Authorization o EUA ang Pamahalaan bago gamitin bilang booster shots ang kanilang mga bakuna na malapit nang mag-expire.
Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang EUA na inisyu ng FDA ay para lamang sa pagtuturok ng booster shots sa mga health workers, senior citizens at mga may comorbidities.
Sang-ayon naman sina Galvez, Health Secretary Francisco Duque III at Trade Secretary Ramon Lopez na magamit ng mga pribadong sektor ang kanilang mga biniling bakuna bilang booster shots subalit kailangan muna ng EUA.
Sinabi pa ni Galvez na humingi na rin sila ng direktiba sa World Health Organization kaugnay dito at prayoridad pa rin aniya ang pagbibigay ng booster shots sa nabanggit na priority groups. —sa panulat ni Hya Ludivico