Inaprubahan na rin ng Food and Drug Administration(FDA) ang aplikasyon ng AstraZeneca para sa emergency use authorization ng kanilang nilikhang bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay FDA Director General Dr. Eric Domingo, kumpletong naisumite ng Astrzeneca ang mga kinakailangang kondisyon para mapagkalooban ito ng EUA.
Batay aniya sa datos ng AstraZeneca, nasa 70% ang efficacy rate ng kanilang bakuna kontra COVID-19 matapos maiturok ang unang dose nito.
Habang tumataas naman matapos maibigay ang ikalawang dose, depende sa haba ng pagitan mula nang maibigay ang unang dose.
Dagdag ni Domingo, nagpapakita rin na epektibo ang bakunang likha ng astrazeneca para mapigilan ang pagkakaroon ng severe COVID-19 infection.
Maliban dito, mas marami rin aniyang benepisyo ang paggamiit ng bakuna ng AstraZeneca kumpara sa mga binanggit na posibleng banta sa kalusugan.
Ang bakunang likha ng Astrazeneca ang ikalawang nabigyan ng EUA sa Pilipinas kasunod ng Pfizer-Biontech.