Nakikipag-ugnayan na ang American biotech company na Moderna sa US Food and Drug Administration (FDA) upang pagkalooban ang kanilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ng emergency use authorization (EUA) para sa mga teenager.
Ito ay makaraang ianunsyo ng Moderna ang naging paunang resulta ng kanilang trial mula sa 3,700 indibiduwal na edad 12 hanggang 17 kung saan, napag-alamang ligtas at lubhang epektibo ang dalawang dose ng bakuna sa mga ito.
Nito lamang Lunes ay nakipag-ugnayan na rin ang Moderna sa European at Canadian regulators hinggil dito.
Magugunitang noong Mayo ay pinagkalooban na ng FDA ang Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines ng EUA para gamitin kanilang bakuna sa mga edad 12 hanggang 15.