Inaprubahan na ng Pilipinas ang emergency use authorization (EUA) ng bakuna kontra COVID-19 ng Pfizer-BioNTech.
Ito ang inianunsyo ni Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo makaraan aniya ang masusi nilang pag-aaral sa bakuna.
Lumalabas kasi aniya sa pag-aaral na 95% ang efficacy rate o bisa nito sa nasa 92% ng populasyon.
Dagdag pa ni Domingo, maaari ding bakunahan sa COVID-19 vaccine ng Pfizer-BioNTech ang mga edad 16, pataas.
Aniya, mild hanggang moderate lamang ang side effects nito, na kagaya lamang sa mga pangkaraniwang bakuna.
Gayunman, kinakailangan pa rin aniya ng monitoring matapos magpabakuna.
Nilinaw naman ni Domingo na ang EUA ay hindi katumbas ng certificate of product registration kaya’t hindi pa ito maaaring ibenta sa merkado.
Samantala, nasa 5-bilyong katao naman na ang naturukan ng COVID-19 vaccine ng Pfizer-BioNTech sa buong mundo.