Inaprubahan na ng bansang India ang Emergency Use Authorization (EUA) ng COVID-19 vaccine na Johnson and Johnson.
Ito ay para mapabilis ang kanilang immunization campaign laban sa naturang sakit dahil sa pangamba sa bagong bugso ng impeksyon.
Ayon kay Health Minister Mansukh Mandaviya ang pagpayag na ito ay para rin mapalakas ang kanilang laban sa pandemic.
Sa tala aabot sa 200k na katao na ang nasawi sa bansa sa loob ng dalawang buwang bugso sa kalagitnaan ng Hunyo.
Wala pa namang detalye sa kung kailan makararating ang nasabing bakuna sa bansang India.—sa panulat ni Rex Espiritu