Pinag-aaralan pa ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga dokumento para sa emergency use authorization ng experimental anti-viral pill na Molnupiravir.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 89 na mga ospital sa bansa ang gumagamit ng Molnupiravir sa ilalim ng Compassionate Special Permit.
Sinabi naman ng isang clinical investigator mula sa Quirino Memorial Medical Center sa Quezon City na posibleng aktibo ang Molnupiravir laban sa bagong Omicron variant.
Ang Molnupiravir ay unang oral antiviral drug na nakakatulong umano para maibsan ang matinding epekto ng virus. —sa panulat ni Hya Ludivico