Binigyan na ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ang anti-COVID-19 drug na Molnupiravir na gawa ng Molnarz.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang Molnarz ang unang brand na naka-comply sa itinakdang safety, efficacy, at quality requirement.
Dahil dito, hindi na aniya magpapalapas ang FDA ng compassionate special permit para sa pagpapagamit ng Molnupiravir sa bansa.
Sinabi ni Domingo na maaaring ibigay ang 200 milligram capsule na ito sa mga edad 18 pataas na mga pasyenteng may mild hanggang moderate COVID cases, dalawang beses sa isang araw, sa loob ng limang araw.
Hindi aniya inirerekomenda ang naturang gamot sa mga buntis at lactating women.