Inihayag ng Palasyo na hihintayin muna ni Pangulong Rodrigo Duterte na mailabas ng FDA ang emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 vaccine ng Sinopharm bago ito magpaturok ng bakuna.
Ito’y sa gitna ng paninindigan ng legal team ng palasyo kung pupwede nga bang gawing basehan ng pagtuturok ng bakuna sa Pangulo ang inisyung ‘special license for compassionate use’ ng FDA sa naturang pharmaceutical company.
Giit pa ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, dahil sa pag-aapply ng Sinopharm ng EUA, ‘moot and academic’ na anito ang gagawing pag-aaral ng Palasyo.
Pero sa panig ng FDA, sinabi nito na hindi kakayaning tapusin sa loob ng tatlong linggo ang pag-aaral sa mga datos mula sa Sinopharm, at sa halip ay baka tumagal ito ng hanggang sa anim na linggo.