Nagsumite na ang Gamaleya Institute ng request sa DFA o Department of Foreign Affairs para baguhin ang ilang detalye sa registration ng kanilang SPUTNIK V Vaccine sa Pilipinas.
Ayon kay FDA Dir. Gen. Eric Domingo, nais ng Gamaleya na amyendahan ang kanilang emergency use authorization (EUA) para habaan ang pagitang dalawang doses.
Maliban dito, gusto rin ng pharmaceutical company na gawing single-dose vaccine ang naturang bakuna gaya ng sa Janssen Vaccine na isang dose lang ang ibibigay.
Ani Domingo, hinihintay na lamang nila ang iba pang datos mula sa Gamaleya para suportahan ang kanilang hinihiling.