Posibleng maamyendahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ngayong linggo ang emergency use authorization ng mga bakunang gagamitin bilang booster shots sa overseas filipino workers.
Ito’y ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., kasunod nang pag-apruba ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases sa nasabing polisiya.
Una rito sinabi ni Overseas Worker Welfare Administration Administrator Hans Leo Cacdac na may ilang patakaran na dapat sundin bago mabigyan ng booster shots ang mga papaalis na OFWs.
Aniya, kailangan munang unahin ang mga priority group sa at kailangang sapat ang bakuna ng local government unit na tinitirhan ng OFW at may go signal mula sa pamahalaan.
Maliban sa mga ito, ay dapat anim na buwan na ang lumipas matapos matanggap ang primary series bago magpaturok ng booster shots. —sa panulat ni Hya Ludivico