Sinusuri na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon para sa Emergency Use Authorization (EUA) sa pagbibigay ng COVID-19 booster shots.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hinihintay na lang ang ilan pang karagdagang ebidensya para makumpleto ang kanilang dokumentasyon at pagsusumite ng mga ito.
Gayunman, ipinabatid pa rin ni Vergeire na hinihimok ng mga Health Experts ang pamahalaan na hintayin muna ang rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) para sa booster doses na inaasahang lalabas sa susunod na buwan.
Magugunitang, inaprubahan ng doh ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council na magbigay ng booster shots at 3rd dose ng COVID-19 sa mga nasa priority groups.