Muli nang magiging aktibo ngayong taon sa showbiz ang comedian actress na si Eugene Domingo.
Matatandaang noong 2014 sa promotion ng kanyang pinakahuling Indie movie, sinabi ni Uge na magkakaroon siya ng semi-break sa showbiz.
Ito ay dahil sa frustration ng aktres na hindi gaanong tinangkilik ang kanyang mga pelikula.
Saad ni Uge, babalik na siya sa pag-arte at nakatakdang gumawa ng dalawang pelikula ngayong taon bukod sa kanyang bagong programa sa telebisyon.
Dagdag pa ng komedyante, sa loob ng dalawa hanggang sa tatlong taon ng kanyang semi-retirement break, na-realized niya na hindi niya kayang tanggihan ang mga proyekto na ino-offer sa kanya.
Sa ngayon ay nakatuon na lamang siya sa pagpapasaya ng mga tao sa pamamagitan ng kanyang mga proyekto.
By Krista de Dios