Masayang nagbabakasyon ngayon sa Japan ang komedyanteng si Eugene Domingo.
Sa kanyang Instagram post, kinilig ang mga fans nang bahagyang ipasilip ni Eugene ang kanyang Italian boyfriend.
Sa kuha ay makikitang nakatalikod ito habang kinuhanan naman ng larawan si Eugene habang naka-pose sa ilalim ng mga cherry blossom.
Marami ang nagpaulan ng puso sa naturang post kasama na ang kanyang mga kaibigang artista tulad nina Ai – Ai delas alas at Lotlot de Leon.
Una nang kinumpirma ni Eugene na masaya ang kanyang buhay pag-ibig sa ngayon.
By Rianne Briones
Photo: Screengrab from Eugene Domingo's Instagram