Nakahanda na si Eumir Marcial para sa kanyang kauna-unahang pressional fight sa December 17.
Ayon kay marcial, wala nang nagiging problema sa kanyang pagsasanay sa ilalim ng tanyag na boxing trainer na si Freddie Roach.
Pagmamalaki pa ni Marcial, kanyang pinanunuod ang mga nagdaang laban ni Andrew Whitfield para aniya’y makakuha na kakaunting technique para siguradong matalo, oras na siya na ang tumuntong sa ring.
Sa unang professional fight ni Marcial, makakatunggali nito si Whitfield ng Estados Unidos na gaganapin naman sa microsoft theater sa Los Angeles.