Pinag-iingat ng European Police ang lahat ng mga taga-Europa.
Ito ay sa banta ng Islamic State na maghasik ng karahasan kung saan target ang mga lugar sa Europa.
Ayon sa EUROPOL, maraming foreign fighters ang magtatangkang bumalik sa Europe upang maglunsad ng mga pag-atake.
Kabilang anila sa mga planong gawin ng mga terorista ay ang mambomba, mangidnap at mangikil ng pera.
Maliban dito, sinasabing bantad din na ma-recruit ng ISIS ang mga Syrian refugees na nasa Europa.
By Ralph Obina
Photo Credit: AFP