Idineklara na ng World Health Organization (WHO) ang Europa bilang sentro ng global monkeypox outbreak, na nagdulot ng mahigit 1,500 cases.
Kinumpirma ni Hans Kluge, WHO Regional Director for Europe, na patuloy na tumataas ang kaso sa 25 bansa.
Una nang inanunsyo ng naturang United Nations (UN) health body na magdaraos ng emergency meeting sa susunod na linggo para matukoy kung isa nang public health emergency ng international concern ang nasabing outbreak.
Sa nakalipas na ilang buwan, ang monkeypox ay karaniwang na-contain sa West at Central Africa.