Inimbitahan ni European Council President Charles Michel ang Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos. Jr. para bumisita sa Belgium.
Sa pamamagitan ito ng isang sulat na ipinadala mismo ni Michel kay PBBM.
Ang nasabing pagbisita, ayon kay Michel ay para tutukan ang pagpapalakas sa bilateral relations ng EU at ASEAN at maging pagpapalawig ng foreign policy issues at pagsuporta sa Rules Based International Order.