Binalaan ng pamahalaan ng Spain ang kanilang mamamayan hinggil sa pagtindi ng heatwave na nararanasan sa kanilang bansa.
Ayon sa ulat, inaasahang ngayong Biyernes, papalo sa 44 degrees celsius ang temperatura sa Spain at mga karatig bansa dulot ng pag-ihip ng mainit na hanging nagmumula sa Africa.
Maliban sa Spain, mararanasan din ang heatwave sa France, Germany, Italy, southern Sweden, Poland at iba pang bansa sa central Europe.
Hindi naman mabatid pa ng mga otoridad kung hanggang kailan mararanasan ang heatwave sa naturang mga bansa.
By Ralph Obina