Ilang bansa sa Europa ang nagpahayag ng pagnanais na mag-hire ng mas maraming Filipino upang tugunan ang pangangailangan nila sa mga manggagawa sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Labor Attaché, Atty. Maria Corina Buñag, karamihan sa mga kailangan ng mga European Country ay mga manggagawa sa health care at tourism sectors.
Kabilang anya sa mga naghahanap ng mga Pinoy worker ang Italy, Austria, Romania, Croatia, Hungary at Slovakia.
Target naman ng Department of Labor and Employment na lumagda ng Bilateral Agreement sa Austria dahil sa interes nitong mag-hire ng isanlibong nurses, nursing assistants at iba pang manggagawa sa healthcare industry.
Tumaas ang demand sa mga manggagawa sa naturang industriya sa mga nasabing bansa dahil sa COVID-19 pandemic.