Inirerekomenda pa rin ng European Medicines Agency (EMA) ang patuloy na paggamit ng AstraZeneca vaccine.
Ito’y sa kabila ng napaulat na blood clot na side effect nito dahilan para suspindihin ng ilang bansa ang paggamit ng bakuna ng AstraZeneca.
Ngunit ayon kay EMA Chief Emer Cooke, maituturing na “very rare” na side effect ng AstraZeneca vaccine ang blood clot o pamumuo ng dugo.
Giit ni Cooke, walang partikular na natukoy na risk factor ng AstraZeneca vaccine at ang sinasabing pamumuo ng dugo ay maaaring maiugnay sa immune response ng isang indibidwal sa naturang bakuna.
Mas matimbang pa rin umano ang benepisyong maaaring makuha sa AstraZeneca vaccine para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) kaysa posibleng maging side effect nito.