Pinangalanan na ng European Space Agency (ESA) ang kauna-unahang “parastronaut” na bibiyahe patungo sa kalawakan.
Nabatid na pinahintulutan ng ESA ang mga taong may pisikal na kapansanan na magtrabaho at manirahan sa kalawakan.
Kinilala ang nasabing “parastronaut” na si John Mcfall na isang british at dating paralympic sprinter.
Ayon sa ESA, ito’y bahagi ng isang bagong henerasyon sa 17 recruits na pinili para magsanay bilang astronaut.
Sasamahan ni Mcfall sa pagsasanay ang limang bagong career astronaut at labing isang reserve matapos mapunan ng esa ang astronaut ranks nito sa unang pagkakataon mula noong 2009.