Hindi natinag ang European Union (EU) sa pamba-blackmail ng Russia matapos ipatigil ang suplay ng gas sa Poland at Bulgaria.
Ayon sa EU, sa kabila na rin ng pananakop ng Russia patuloy nilang susuportahan ang Kyiv na sakop ng Ukraine.
Nabatid na nakatakdang bumisita sa nasabing bansa si UN Chief Antonio Guterres para makipagpulong kay Ukrainian Leader Volodymyr Zelenskyy kasunod na rin ng babala ni Russian President Vladimir Putin na kung makikialam ang western forces sa Ukraine, ay haharap sila sa “lightning-fast” military response.
Una nang sinabi ng Moscow na nagsagawa sila ng missile strike sa Southern Ukraine para sirain ang “large batch” ng western-supplied weapons.