Hinimok ng European Union ang Pilipinas na muling makianib sa International Criminal Court.
Ayon kay managing Director for Asia and the Pacific of the European External Action Service Niclas Kvarnström, hindi nawala ang Pilipinas sa legal jurisdiction ng ICC kahit na kumalas na ang bansa sa Rome Statute noong 2018.
Bukod sa Pilipinas, hinikayat din ni Kvarnström ang mga bansang hindi pa kaanib ng ICC na sumali rito.
Nabatid na ang Pilipinas ay state party sa Rome Statute, na founding treaty ng ICC mula noong November 1, 2011, ngunit nagpadala ito ng notification of withdrawal noong March 17, 2018, kung saan naging epektibo ito noong March 17, 2019.
- Sa panulat ni John Riz Calata