Muli na namang binira ni Pangulong Rodrigo Duterte ang European Union (EU) dahil sa patuloy na pakikialam nito sa anti-drug war ng kanyang administrasyon.
Sa kanyang talumpati sa People’s Day sa bayan ng Socorro sa Oriental Mindoro, tinawag na baliw ng Pangulo ang mga taga-EU nang manawagan ito sa pagpapalaya ni Senadora Leila de Lima na nakulong dahil sa pagkakasangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Muling iginiit ng Pangulo na wala siyang iniutos sa PNP o Philippine National Police at AFP o Armed Forces of the Philippines na pumatay ng mga walang kalaban-labang mga kriminal o tulak ng iligal na droga.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)