Ikinabahala ng european union ang panunumbalik ng ecstasy bilang popular na droga lalo sa mga kabataan hindi lamang sa europa kundi sa buong mundo.
Ayon sa European Monitoring Centre for Drugs, mas naging laganap ang paggamit ng ecstasy dahil sa online sales kaya’t nanumbalik ito sa makabagong henerasyon.
Nangangamba rin ang EU na kasabay ng pagdami ng mga netizen ay darami rin ang gagamit ng mga iligal na droga lalo’t hindi lamang ecstasy ang mabibili online.
Naniniwala ang ahensya na karamihan sa ecstasy ay ipino-produce sa paligid lamang ng Netherlands.
Samantala, nananatiling pinaka-mabentang droga ang marijuana na may annual sales na 10.3 billion dollars.
By Drew Nacino