Pinaplano ngayon ng European Union na makalikom ng 140 billion dollars mula sa mga energy company.
Ito ay para maprotektahan ang mga consumers at negosyo mula sa tumataas na presyo ng enerhiya na malaking banta sa ekonomiya at posible pang magdulot ng pagkalugi.
Sa datos ng EU, kasalukuyang nakararanas ng energy crisis ang dalawampu’t pitong bansa sa Europe, matapos itigil ng Russia ang pagsu-suplay ng langis bilang ganti sa ipinataw na sanction ng western countries.
Dahil ito sa patuloy na paggiyera ng Russia sa Ukraine.
Maliban sa panawagang salapi, ikinokonsidera na rin ng EU ang pagpapataw ng bagong energy price caps sa 2023.