Pinagsabihan ng Malacañang ang mga mambabatas ng European Union na huwag makialam sa mga usaping panloob ng Pilipinas.
Una nang nagpahayag ang European Union na magbabalangkas ito ng resolusyon upang igiit ang agarang pagpapalaya kay Senadora Leila De Lima.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hindi naiintindihan ng mga dayuhang mambabatas ang tunay na dahilan ng pagkakakulong ng senadora.
Iginiit ni Abella, kasong kriminal ang ikinakulong ni De Lima at hindi dahil sa isyung pulitikal.
Dapat aniyang irespeto ng ibang mga bansa ang mga panloob na usapin ng gobyerno ng Pilipinas dahil sinusunod naman ang proseso sa mga kasong kinahaharap ni De Lima.
By Avee Devierte |With Report from Aileen Taliping