Pinapagsalita na ang European Union laban sa panunupil ng kalayaan sa pamamahayag sa Turkey makaraan ang sapiliting pagkontrol sa pinakamalaking pahayagan doon.
Matatandaang noong Biyernes ay ginamitan ng tear gas at binomba ng tubig ng ilang pulis ang tanggapan ng Zaman Newspaper upang isakatuparan ang utos ng korte.
Sinasabing may kaneksyon ang nasabing pahayagan sa pinakamahigpit na kalaban ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan na si Fethullah Gulen na isang opposition cleric mula sa Estados Unidos.
Kahapon sa pangalawang araw ng kilos protesta ng mga sumusuporta sa pahayagan, nagkagirian ang mga ito at mga pulis.
Samantala, ilan lamang ang umaasa na makikialam ang european union sa bagay na ito dahil abala pa ito sa pagtugon sa migration crisis sa rehiyon.
By: Avee Devierte