Tiniyak ng European Union (EU) ang kasunduan sa pagitan ng American biotechnology company na Moderna ang pagkakaroon ng 160-M na doses ng bakuna kontra COVID-19 mula sa kumpanya.
Ayon kay Ursula von der Leyen Presidente ng European Commission, aaprubahan na bukas ang kasunduan para sa tiyak na suplay ng COVID-19 vaccine.
Inaasahan ng EU na makukuha ang mga naturang bakuna sa presyong mas mababa sa $25 per dose, taliwas sa unang naging panayam kay Moderna Chief Executive Stephane Bancel na nagsabing nasa pagitan ng $25 at $37 per dose ang halaga ng bakuna.
Samantala, di pa tiyak kung kailan maibibigay ang mga naturang bakuna na sasapat para sana sa 80-M katao na may tig-2 doses.
Matatandaang una ng sinabi ng Moderna na batay sa kanilang pag-aaral 94.5% epektibo ang bakunang nabuo nito kontra COVID-19.—sa panulat ni Agustina Nolasco